Umabot na sa mahigit isang milyong sako ng palay ang nabili ng National Food Authority (NFA) sa mga lokal na magsasaka.
Ang nasabing datos ay mula noong Enero hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Ayon sa NFA, tumaas ang bilang ng mga nabibiling palay sa panahon ng buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre na umabot sa mahigit 926,000 na sako.
Sinabi ng NFA na malaking bulto ng binili nilang palay ay mula sa top palay-producing provinces na Mindoro Occidental, Mamburao, Batangas, Mindoro Oriental, Bukidnon, Isabela, Capiz, Iloilo, North Cotabato, at Camarines Sur.
Sa ngayon para sa clean at dry palay binibili ng NFA ang produkto sa local farmers sa halagang P20.70 per kilogram.
Sinabi ni NFA na dahil sa pinatupad nilang P3 buffer stocking incentive (BSI) ay mas nakukumbinsi ang mga magsasaga na sa NFA ibenta ang kanilang palay kasa sa mga private trader.