Bilang ng mga Pinoy na gumagamit ng internet patuloy na tumataas – SWS

Photo: SWS

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pinoy na gumagamit ng internet.

Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) nakapagtala ng 41 percent na Filipino internet users. Ginawa ang survey noong Sept. 15-23, 2018.

Sinabi ng SWS na mula nang isagawa nila ang survey hinggil sa nasabing datos ay patuloy ang naitatalang pagtaas.

Mula Sept. 2007 hanggang Dec. 2011 ay nasa pagitan ng 11 percent hanggang 10 percent ang naitalang pagtaas.

Habang sa pagitan ng March 2012 at Dec. 2015 ay nakapagtala ng 23 percent hanggang 32 percent na pagtaas.

Read more...