3 volcanic earthquake, 1 rockfall event naitala sa Bulkang Mayon

FILE PHOTO

Nananatiling aktibo ang bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng tatlong earthquakes at isang rockfall event sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 na oras.

Nakataas pa rin ang alert level 2 sa Mayon Volcano nangangahulugang ito ay nasa moderate level ng unrest.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagsabog, pagbubuga ng abo, lava collapses, at pyroclastic density currents mula sa bulkan.

Bawal pa rin ang pumasok sa loob ng six kilometer-radius Permanent Danger Zone ng bulkang Mayon.

 

Read more...