Kampo ng naarestong Koreano sa NAIA dahil sa bitbit na malaking halaga ng salapi itinangging sinuhulan nila ang mga otoridad

File Photo

Walang naganap negosasyon sa pagitan ng mga arresting officer at Kim Junheon nang dakpin ang Korean national sa NAIA noong November 30, 2018.

Ayon kay Atty. Nestie C. Clet, nakaharap siya at iba pang personnel sa NAIA nang isagawa ang imbentaryo sa dalang dolyares ng kanyang kliyente na may katumbas na P25.6-M.

Sa kanyang affidavit na nilagdaan ng abogada, pinaliwanag na pinatupad lamang ng mga immigration official ang kanilang tungkulin na sa implementasyon ng batas.

Ang Koreano ay inisyuhan ng Held Baggage Receipt (HBR) No. 335894 dahil sa paglabag sa probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na nagsasaad na pinapayagan ang pagpapasok o pagpapabas ng malaking halaga ng salapi sa bansa ngunit kapag ang halaga ng salapi ay lampas na sa US$10,000.00 o katumbas nito as kailangang ideklara na ito gamit ang foreign currency declaration form at may kaakibat na testimonya na lehitimo ang pinanggalingan at paggagamitan sa oras na lumapag na sa bansa.

Read more...