PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Dec. 4

May nakatakdang power interruption ngayong araw ang Meralco sa bahagi ng Taguig, Batangas, Cavite, at Quezon.

Sa Taguig City, mawawalan ng kuryente sa pagitan ng 9:30 ng umaga at 12:30 ng tanghali ang bahagi ng Brgy. Pinagsama.

Sa Sto. Tomas, Batangas naman, sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 12:00 ng tanghali ang power interruption sa bahagi ng Brgy. San Antonio.

Sa GEN. TRIAS CITY sa Cavite, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 8:59 ng umaga at alas 2:01 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng mga Brgy. Navarro, Pasong Camachile 1 at 2 at Santiago.

Habang alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Brgy. Alapan II-B.

Sa Pagbilao, Quezon, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Brgy. Ikirin, Ibabang Bagumbungan at Ilayang Bagumbungan.

Read more...