2 pang dating DOH officials kasama sa mga kinasuhan sa Dengvaxia

Inquirer file photo

Plano ng mga magulang ng mga estudyante na diumano’y biktima ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia na dagdagan ng dalawa pang respondent ang kasong isinampa nito laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health (DOH).

Sa mosyon na inihain ng mga complainants sa Department of Justice kanina, hiniling nila na payagan silang idagdag sina Dr. RaymundoLlo, at Sonia Gonzales, dating mga opisyal ng Philippine Children’s Medical Center sa isinampa nitong kasong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa anti-torture law.

Nauna dito sinampahan na rin ng grupo ang ilan pang mga dating health officials sa pangunguna ni dating Sec. Janette Garin.

Kasama rin sa kaso ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur at ang distributor nito na Zuellig Pharma.

Ipinaliwanag pa ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia na kasama ang mga pangalan ng dalawang opisyal  sa purchase request noong January, 2016 para mabili ang bakuna bago pa man ito ma sertipikahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Naniniwala rin ang grupo na makakakuha pa sila ng mga dagdag na ebidensya laban sa mga nasa likod ng pagbakuna ng Dengvaxia sa kanilang mga anak sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO).

Read more...