Walang nakikitang rason ang Malacañang na isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang medical bulletin kada taon.
Pahayag ito ng palasyo sa pahayag ng walong kandidatong senador na mahalaga na isapubliko ang medical bulletin ng pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, regular examination lang naman ang ginagawa sa pangulo kada taon.
Gayunman, ibang usapin na aniya kung may malalang sakit ang pangulo.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na malinaw naman ang paninindigan ng pangulo na nararapat talagang isapubliko ang medical bulletin kung mayroong malalang sakit ang lider ng bansa.
Pinatunayan na aniya ito ng pangulo nang kusang isapubliko na kusa siyang sumailalim sa endocspoy at colonoscopy.
Paliwanag pa ni Panelo, “The question was whether or not the President should issue a medical bulletin in case of serious illness, the President agrees with that. That is why he informed us of what happened to the medical examinations. I don’t think there’s a question on that”.