Hugpong ng Pagbabago at Pwersa ng Masang Pilipino bumuo ng alyansa para sa 2019 elections

Kuha ni Jan Escosio

Pormal na ang alyansa ng regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP) at ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Manila Mayor Joseph Estrada para sa 2019 elections.

Nilagdaan ng presidential daughter at ni Estrada ang oath of alliance, Lunes (Dec. 3) ng umaga sa San Andres Gymnasium sa Malate, Manila.

Dumalo din sa pagtitipon ang mga senatorial bet ng HNP para sa 2019 elections.

Kabilang dito sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, dating presidential spokesperson Harry Roque Jr., at dating Senator Jinggoy Estrada.

Umaasa si Estrada na sa pakikipag-alyansa ng PMP sa HNP ay magiging kasing payapa ng Davao City ang Maynila.

Read more...