Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang Philippine National Railways (PNR) Malabon-Taguig train segment.
Isinagawa ang seremonya Lunes (Dec. 3) ng umaga sa North Harbor Link Segment 10 sa Gov. Pascual, Malabon City.
Pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pagpapasinaya sa Gov. Pascual platform at Sangandaan-Gov. Pascual segment ng tren.
Ang biyahe ay magmumula sa Gov. Pascual hanggang sa FTI station kung saan P25 ang pamasahe para sa airconditioned coaches at P20 naman para sa non-airconditioned trains.
Nasa 58 minuto ang biyahe para sa nasabing ruta.
Mayroong apat na biyahe kada araw para sa Tutuban-Gov. Pascual route at vice versa; habang walong biyahe naman araw- araw sa the Gov. Pascual-FTI route at vice versa.