3 kadete ng PNPA iniutos na masibak dahil sa pag-uutos ng oral sex sa dalawang plebo

Iniutos na sibakin sa PNP Academy ang tatlong cadets na sangkot sa umano ay sexual harrasment.

Ang nasabing PNP cadets ay sangkot sa pag-uutos sa kanilang dalawang plebo na mag-perform ng oral sex bilang parusa sa hindi pagsunod sa utos.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, lalagdaan ngayong araw ang dismissal order laban sa tatlo.

Ang naturang katuusan ay inisyu ng pamunuan ng PNPA.

Batay sa reklamo, isa sa mga cadet ang nag-utos para gawin ng dalawang plebo ang oral sex habang ang dalawang iba pa ay nanonood.

Read more...