Martial law extension sa Mindanao irerekomenda na ng AFP kay Pang. Duterte

AFP Photo

Irerekomenda ni Armed Forces Chief of Staff Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang batas militar sa rehiyon ng Mindanao.

Katwiran ni Galvez, may mga panawagan para sa martial law extension lalo’t nanatili aniya ang banta ng terorismo sa rehiyon.

Noong isang taon, isinailalim sa batas militar ang buong Mindanao kasunod na rin ng pagsalakay ng Maute terror group sa Marawi city.

Matatapos naman ito sa December 31 alinsunod sa extension na inaprubahan ng Kamara noong 2017.Excerpt:

Read more...