2 patay, 1 sugatan sa magkahiwalay na operasyon sa Rizal

Police banner

Dalawang robbery suspects ang nasawi habang sugatan ang isang drug suspect sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa sa Rizal.

Sa Cainta, isang alyas JR at hindi pa nakikilalang kasama nito ang nasawi sa shootout sa Barangay San Andres ala 1:30 ng madaling araw ng Lunes, Dec. 3.

Ayon sa ulat ng Calabarzon Police, sakay ng motorsiklo ang dalawa at tinakasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint.

Nauwi sa habulan ang insidente kung saan pinaputukan ng mga suspek ang mga otoridad dahilan para gumanti ng putok ang mga ito.

Miyembro umano ng Orendain robbery group ang dalawa.

Samantala, sa bayan naman ng Morong, sugatan ang drug suspect na si Ivan Jos Paracarey nang tamaaan ng bala ng baril sa kaniyang kaliwang binti.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek sa Barangay San Pedro pero nanlaban umano ito.

Arestado naman ang isang 17 anyos na kasabwat ni Paracarey.

 

Read more...