Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, personal na opinyon lamang ito ni Locsin at hindi sumasalamin sa opisyal na pananaw ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Panelo na maaring ang pinanggalingan ng pahayag ni Locsin ay pagsuporta dahil sa dati silang magkasama ni Ocampo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Si Ocampo ay dating kinatawan ng militanteng grupong Bayan Muna habang si Locsin ay dating kinatawan ng Makati City.
Pero ayon kay Panelo ang pagkakaibigan ng dalawa ay hindi maaring magbunga ng konklusyon na ang isang taong nasampahan ng krimen ay maituturing nang inosente o hindi.
Payo pa ni Panelo sa lahat, maghinay-hinay sa pagbibigay ng mga haka-haka, konklusyon sa kaso ni Ocampo at mas makabubuting hayaan na gumulong ang proseso sa hudikatura.
Nabigyan naman aniya ng due process ang grupo ni Ocampo. Halimwaba na lamang aniya ang pagpayag ng korte na makapagpiyansa sa kaso para makapaghanda ng kanilang depensa.