Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez hihigit sa P700 bilyon ang halaga ng puhunan na papasok sa bansa sa 2019.
Ngayon taon, 85 porsiyento pa lang ng kanilang P680 bilyong target ang naaabot at may isang buwan na lang ang natitira.
Tiwala si Lopez na ang pamumuhunan sa susunod na taon ay bubuhos sa enerhiya, kuryente, imprastraktura at agrikultura.
Una naman nang nagpahayag ng pangamba ang mga negosyo sa bansa ukol sa isinusulong na Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities o Trabaho Bill, na magpapabago sa mga insentibong ibinibigay sa mga mamumuhunan.
Ang panukala ang sinasabing magpapabago sa pagtingin ng mga nagbabalak mamuhunan sa bansa, maging ang mga may mga tumatakbo ng negosyo sa Pilipinas.
Ayon naman kay Trade Usec. Zenaida Maglaya may mga pag-uusap at pangungumbinsi pa sa mga banyagang mamumuhunan na maaring magpasok pa ng pera sa bansa bago ang pagtatapos ng taon.