Ayon kay Emer Rojas, pangulo ng NVAP, hindi sapat ang ipinalusot ng House Committee on Ways and Means na karagdagang tobacco tax para maabot ang target na mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo.
Sa ilalim ng panukala, simula sa Hulyo 2019, ang tax sa bawat kaha ng sigarilyo ay magiging P37.50 mula sa ipinapataw ngayon na P35.
Muli itong madadagdagan ng P2.50 at taon-taon hanggang Hulyo 2023 ay papatungan pa ito ng karagdagang apat na porsiyento.
Pagdidiin ni Rojas lubhang napakalayo ng dagdag0buwis sa unang ipinanukala ni Albay Rep. Joey Salceda na P45 sa bawat kaha ng sigarilyo.
Naniniwala ang grupo na magreresulta lang ito ng karagdagang 200,000 bagong naninigarilyo kada taon at mula a bilang ay may 2,000 mamamatay dahil sa bisyo.
Aniya ang mga kabataan ang maapektuhan dahil sila ang pumapalit sa mga namamatay dahil sa sigarilyo.