Pahayag ni Pope Francis kaugnay sa war on drugs, pampalakas ng moral sa administrasyong Duterte – Malakanyang

AP

Itinuturing ng Malakanyang na pampalakas ng moral sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga ang naging pahayag ni Pope Francis na malaking balakid sa human development ang ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Presisdential Spokesperson Salvador Panelo, napapanahon ang pahayag ni Pope Francis lalo’t “twin evils” ang nilaabanan ngayon ng administrasyon, ito ay ang krimen at droga.

Ayon kay Panelo, gaya ng sinabi ni Pope Francis, mahalaga na maging matapang ang pagkilos ng gobyerno at kung kinakailangan ay suungin ang kamatayan.

Ito rin aniya ang rationale ng kampanya ni Pangulong Duterte para mailigtas ang kinabukasan ng mga batang Filipino.

Ayon kay Panelo, sa kabila ng batikos at puna ng mga maiingay na kritiko, hindi maikakaila na malaki na ang accomplishment ng administrasyon kontra sa ilegal na droga.

Read more...