PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw sa QC at Pasig

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Pasig at Quezon City.

Sa abiso ng Meralco, sa Santolan Pasig, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption.

Maaapektuhan nito ang bahagi ng Marcos Highway.

Sa Barangay dela Paz sa Pasig City pa rin, alas 11:45 ng gabi mamaya hanggang alas 4:45 ng umaga ang power interruption sa bahagi pa rin ng Marcos Highway.

Habang sa Quezon City, sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas ang power interruption sa bahagi ng Barangay Manresa, Damar at San Jose.

Read more...