Top commander ng Taliban patay sa air strike sa Afghanistan

Nasawi sa isinagawang air strike ng pinagsanib na pwersa ng Afghan at US Special Forces ang top commander ng Taliban.

Naganap ang air strike sa Helmand Province kung saan ayonnsa mga Afghan official, kabilang sa napatay si Abdul Manan na siyang namumuno sa grupo sa lugar.

Maliban kay Manan, nasawi din ang 29 na iba pang miyembro ng grupo.

Itinuturing namang major success ng Afghan officials ang pagkamatay ni Manan.

Siya ang most senior Taliban Commander sa lugar at dahil sa pagkasawi nito ay pinaniniwalaang maaapektuhan ang operasyon ng grupo.

Read more...