3 arestado matapos mahuling gumagamit ng ilegal na droga sa Malabon

Tatlong katao ang arestado sa Malabon matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga.

Isang sumbong ang natanggap ng mga pulis sa ginagawa ng mga suspek sa bahagi ng Brgy. Potrero.

Nang dumating sa lugar, nadatnan ng mga otoridad na nagkukumpulan ang tatlo sa isang bahagi ng kalsada kaya sinita sila.

Tinangka pa ng mga itong itapon ang mga hawak nilang illegal na droga at drug paraphernalia.

Tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpisma sa mga suspek.

Read more...