Gr. 12 student arestado sa buy-bust operation sa QC

Arestado ang labing pitong gulang na estudyante sa ikinasang drug buy bust operation sa Quezon City.

Ang Grade 12 student ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad dahil sa pagsu-suplay nitong marijuana.

Matapos makumpirma ay doon na nagkasa ng operasyon ang mga otoridad sa bahagi ng Barangay Socorro.

Matapos masampahan ng kaso ay itu-turnover naman sa DSWD ang suspek dahil sa pagiging menor de edad nito.

Read more...