Closed van tumagilid sa Commonwealth Avenue kanto ng Tandang Sora sa Quezon City

Inquirer file photo

Isang closed van ang tumagilid sa sa bahagi ng Commonwealth Avenue kanto ng Tandang Sora sa Quezon City.

Nangyari ang aksidente alas 3:00 ng madaling araw sa linyang patungo ng elliptical road.

Dahil sa nasabing aksidente, tatlong linya ang inokupa ng van dahilan para maagang maperwisyo ang mga motorista.

Ayon sa driver ng van, binabagtas nila ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang maramdaman niyang nagpapagewang-gewang na ang sasakyan.

Pasado alas 6:00 na ng umaga ay hindi pa naiaalis sa lugar ang closed van. Hindi kasi ito kinayang hatakin ng naunang tow truck na dumating sa lugar.

Ginamitan pa ng crane at isang mas malaking tow truck ang van para maialis ito sa lugar bago mag alas 7:00 ng umaga.

Read more...