Pinangunahan ng Phoenix Petroleum noong Sabado ang tapyas sa presyo ng langis sa kanilang P2.00 rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
Ang Petro Gazz ay may kaparehong rollback ng sa Phoenix Petroleum ngunit epektibo pa bukas, araw ng Martes alas-6:00 ng umaga.
Mas malaki naman nang kaunti ang rollback ng Seaoil na may tapyas na P2.00 sa kada litro ng gasolina; P2.10 sa kada litro ng diesel at P2.00 sa kada litro ng gaas epektibo na alas-6:00 ngayong umaga.
Ang rollback ng mga kumpanyang Jetti, PTT, Caltex at Pilipinas Shell ay kapareho ng sa Seaoil ngunit epektibo pa alas-6:00 bukas ng umaga.
Ang paggalaw na ito sa presyo ay dahil sa oversupply ng langis sa pandaigdigang merkado na nagreresulta ng murang petrolyo.
Sa walong linggong sunud-sunod na rollback ay umabot na sa higit P12 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina; at higit P10 naman sa diesel.