133 katao sugatan, higit 400 arestado sa kaliwa’t kanang kilos-protesta sa Paris

Umabot na sa 133 katao ang sugatan habang higit 400 naman ang naaresto sa nagaganap na kaliwa’t kanang kilos protesta sa Paris.

Ayon kay government Spokesperson Benjamin Griveaux, kasalukuyan nang nag-iisip ang pamahalaan ng mga hakbang upang maiwasan ang karahasan lalo na ang pagdedeklara ng state of emergency.

Nasa ikatlong linggo na ang serye ng mga demonstrasyon kung saan ipinoprotesta ang papataas na fuel prices.

Umabot sa higit 36,000 ang nagprotesta araw ng Sabado sa buong bansa, 53,000 noong nakaraaang linggo habang 113,000 naman dalawang linggo na ang nakalilipas.

Nagpatawag ng emergency meeting si French President Emmanuel Macron sa mga matataas na opisyal kahapon.

Sa isang pahayag, pinuri nito ang katapangan ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas.

Read more...