Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 6.1 percent o 1.4 milyong pamilyang Filipino ang nabiktima ng common crimes sa third quarter ng 2018.
Mas mataas ito sa 5.3 percent na naitala noong second quarter ayon sa SWS.
Iginiit ni Albayalde na ‘improvement’ pa rin namang maituturing ang resulta ng survey mula sa 6.6 percent na crime victimization rate na naitala noong 1st quarter at sa 11.4 percent naman mula noong April hanggang June 2016.
Tiniyak naman ng opisyal na ‘manageable’ pa rin ang bilang ng nabiktima ng krimen at naniniwala silang tumaas ito dahil sa pagsapit ng holiday season kung saan mas marami ang nananamantala.
Iginiit pa ni Albayalde na ang pagtaas sa bilang ay dahil sa tiwala ng publiko sa pulisya sa pagsusumbong sa mga krimen.