Ipinahayag ito ng Santo Papa sa kanyang ‘letter of appointment’ kay Osaka Archbishop Thomas Manyo Cardinal Maeda bilang kanyang kinatawan sa ika-60 anibersaryo ng muling pagkakatayo sa Manila Cathedral matapos ang digmaan.
Ani Pope Francis, pinagninilayan niya kung naisip ba ni Pope Gegory XIII nang itinatag ang noo’y Diocese of Manila higit 440 taon na ang nakalilipas na yayabong ang pananampalatayang Katoliko sa Pilpinas.
Tunay anya na ang bansa ay isa sa mga bansang may malalim na pananampalatayang Katoliko sa buong mundo.
Sa kanyang sulat ay kinilala rin ng Santo Papa ang papel ng Manila Cathedral o Minor Basilica of the Immaculate Conception sa pagpapalalim ng pananampalatayang Kristiyano.
Ipinaliwanag naman ni Pope Francis kung bakit si Cardinal Maeda ang kanyang napiling kinatawan sa pagdiriwang ng Katedral.
Anya, hindi maikakaila ang malasakit ng Cardinal sa kapakanan ng Simbahang Katolika.
Pangungunahan ni Maeda ang misa para sa Dakilang Kapitahan ng Inmaculada Concepcion sa December 8.