CA, magsasagawa ng en banc session sa labas ng Metro Manila mula ngayong araw

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa ng Court of Appeals ang en banc session nito sa labas ng Metro Manila.

Simula ngayong araw, December 3, isasagawa ang en banc session ng korte sa Davao City.

Ang pagbabagong ito ay ipatutupad sa ilalim ng pamumuno ni Presiding Justice Romeo F. Barza.

Inaasahang tatalakayin ang mahahalagang isyu tulad ng panukalang pag-amyenda sa 2009 Internal Rules of the Court of Appeals (IRCA).

Read more...