Siocan, Zamboanga del Norte niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Zamboanga del Norte, Linggo ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ng episentro ng lindol sa layong 29 kilometers Southwest sa bayan ng Siocan.

Niyanig ang naturang lugar bandang 9:47 ng gabi.

May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...