Pinay singer, pasok na sa live shows ng “The X Factor Romania”

Photo grab from The X Factor Romania’s Youtube video

Patuloy ang pag-arangkada ng Filipino singer na si Bella Santiago sa “The X Factor Romania” Season 8.

Natalo ng 29-year old na singer si Christian Sanda sa Duel round matapos itanghal ang kantang “Total Eclipse of the Heart” ni Bonnie Tyler.

Isinalarawan ni Sanda ang Pinay singer bilang isang complete package dahil sa ganda ng kaniyang boses at stage presence.

Dahil dito, si Santiago na ang kauna-unahang Pinay na nakaabot sa live shows ng naturang singing competition.

Nananatiling crowd favorite ng season ang Caviteña dahil sa dami ng views ng kaniyang performances sa social media.

Isa na si Santiago sa walong contestants na pasok sa live show sa December 9, 2018.

Read more...