Ilang kalsada sa Malate, Manila isasara bukas – MPD

Inanunsiyo ng Manila Police District (MPD) ang ipatutupad na ilang road closure at rerouting sa araw ng Lunes, December 3, 2018.

Magsasagawa ng isang political event ang Hugpong Ng Pagbabago (HNP) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) Alliance Party sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila simula 7:00 ng umaga.

Sa abiso ng MPD Traffic Enforcement Unit, pinaalalahanan ang mga motorista na iwasan ang ilang kalsada kung saan inaasahang magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko.

Narito ang mga isasarang kalsada:
– Kahabaan ng San Andres Street mula Adriatico Street hanggang L. M. Guerrero Street sa Malate, at
– Kahabaan ng Leveriza Street mula Quirino Avenue hanggang San Andres Street sa Malate.

Sa halip, ayon sa MPD, ay dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta.

Sa mga sasakyang magmumula sa Roxas Boulevard at dadaan sa San Andres Street, kumanan patungong Adriatico Street papuntang sa destinasyon.

Para naman sa mga magmumula sa Taft o Quirino Avenue, maaaring kumanan patungong L. M. Guerrero Street papuntang sa destinasyon.

At sa mga padaan ng Leveriza Street, maaaring kumaliwa o kumanan patungong Quirino Avenue papuntang sa destinasyon.

Ayon sa MPD, dadalo sina Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa naturang event.

Read more...