2 patay, 1 sugatan sa sunog sa Zamboanga
By: Angellic Jordan
- 6 years ago
Dalawa patay sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Zamboanga City, Linggo ng umaga.
Ayon kay Zamboanga City Fire District marshal Supt. Jhufel M. Brañanola, isang kaso ng arson ang sunog.
Nagsimula ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ng isang Marilou de la Cruz sa bahagi ng J. Johnston Street sa Barangay San Jose Gusu dakong 10:15 ng umaga.
Kinilala ang nakatira sa bahay na si Rico Turco Vidal, 36-anyos, at ang bisita nito na si Tubio Maningo, 51-anyos.
Sa hindi pa nalalamang rason, sinaksak ng pitong beses ni Vidal si Maningo bago sinunog ang bahay.
Sina Vidal at Maningo ang nasawi sa sunog.
Samantala, sugatan naman ang isang bumbero na si FO2 Ryan Batayen.
Umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog na may kabuuang P1.3 milyong halaga ng pinsala.