Pinagtibay ng naging pahayag ni Pope Francis ang kampanya kontra sa ilegal na droga at kriminalidad ng administrasyong Duterte.
Sa isang conference sa Vatican, inihayag ng Santo Papa na responsibilidad ng mga gobyerno sa buong mundo na labanan ang mga drug trafficker na nagiging dahilan ng kamatayan ng iba.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ikinokonsidera ito ng Palasyo ng Malakanyang.
Mismong ito aniya ang rason ni Pangulong Rodrigo Duterte para ikasa ang naturang operasyon sa bansa.
Layon aniya nito na isalba ang mga kabataan at mas batang henerasyon ng mga Pilipino.
MOST READ
LATEST STORIES