Castro, hinamon si Albayalde na bisitahin ang Lumad schools

Congress photo

Hinamon ni ACT-Teachers partylist Rep. France Castro si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na personal na bisitahin para obserbahan ang mga aktibidad sa mga Lumad school.

Ito ay matapos ihayag ni Albayalde na tinuturuan ng mga rebelde ang mga estudyante sa mga Lumad school ng ibang pambansang awit.

Tahasang sinabi ni Castro na sasamahan niya mismo si Albayalde para pumunta sa isang Lumad school.

Sinabi pa ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na ang mga itinuturong subject sa mga Lumad school ay reading, writing, Math at maging pang-agrikultura na makatutulong sa kanilang komunidad.

Matatandaang inaresto sina Castro, Ocampo at 16 iba pa sa Talaingod, Davao del Norte dahil sa umano’y pag-kidnap ng mga estudyante sa Salugpongan school.

Read more...