Higit 1,000 trabaho, alok para sa PWDs – DOLE

Mahigit 1,000 trabaho ang bubuksan para sa mga person with disability sa isang job fair sa December 5, 2018.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), maaring mag-apply ang mga PWD sa daan-daang trabaho sa advertising, business process outsourcing (BPO), electronics, hotel, health and wellness, logistics, media, manpower and security services, memorial services, sales, property management, pharmaceutical, travel at iba pa.

Katuwang naman ng DOLE sa job fair ang Department of Trade and Industry (DTI), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para magbigay ng livelihood at skills training sa mga naghahanap ng trabaho.

Isasagawa ang job fair sa Quezon City Hall.

Para sa mga PWD na nais maging pre-qualified sa mga bubuksang trabaho sa naturang job fair, bisitahin ang philjobnet.gov.ph.

Read more...