Rekomendasyong huwag ituloy ang excise tax suspension sa oil products, pag-aaralan pa ni Pang. Duterte

Pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging rekomendasyon ng economic manager na huwag nang ituloy ang suspensyon ng excise tax sa oil product simula sa Enero ng susunod na taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na matatalakay sa cabinet meeting sa Martes ang rekomendasyon ng enomic managers.

Hindi na rin aniya kataka-taka na ipabawi ng economic managers kay Pangulong Duterte ang suspensyon ng paniningil ng excise tax dahil patuloy nang bumababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Nagkamali aniya ng basa ang economic managers kung kaya nagawa ang rekomendasyon na ipasuspinde ang excise tax sa oil product.

Tinatayang nasa mahigit P43 bilyong pondo ang mawawala sa kaban ng bayan kapag itinuloy ang suspensyon sa paniningil sa excise tax sa oil product.

Read more...