Pagsasantabi ng Senado sa Cha-Cha, hindi kataka-taka – Malakanyang

Naiintindihan ng Palasyo ng Malakanyang ang sentemyento ng Senado na hindi nila prayoridad ngayon ang pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) o pagbabago ng kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo.

Paliwanag ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kinakailangan kasing gawing prayoridad muna ang pagpasa sa 2019 national budget.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Panelo na kapag hindi naipasa ang 2019 national budget, magkakaroon lang ng reenacted budget sa susunod na taon.

Nasa Kongreso na aniya ang pagpapasya kung paano itutuloy ang pagpasa sa Cha-Cha.

Kumpiyansa naman si Panelo na bagamat tatlong taon na lang ang natitira sa administrasyong Duterte, kakayanin pa rin na makamit ang Pederalismo basta’t may political will lamang.

Read more...