Panukalang pagtaas ng BSP capitalization sa P200B, naratipikahan na

Niratipikahan ng Senado ang Bicameral Conference Committee report sa panukalang batas na nagtataas ng capitalization ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa P200 bilyon mula sa dating P50 bilyon at pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan.

Ang panukalang inaprubahan noong nakaraang Miyerkules ay nagpapahintulot sa BSP na mag-otorisa, regulate at examine sa mga entity at mga taong nasasangkot sa pagnenegoyo ng pananalapi.

Pinalawak din ang kapangyarihan nito na magpatupad ng kasong administratibo at kriminal, at maaring bumawi sa kita mula sa mga hindi otorisadong transaksiyon.

Binigyan din ang BSP ng regulatory powers sa iba pang kategorya ng financial institutions at mangasiwa sa mga kahalintulad na institusyon.

Read more...