Reassignment ni Jovie Espenido sa Ozamiz, tuloy – Malakanyang

INQUIRER PHOTO

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na iurong ang reassignment ni Police Supt. Jovie Espenido sa Ozamiz City.

Ito ay kahit na hinihiling ng grupo ng mga professional na irekonsidera ng pangulo ang pagtatalagang muli kay Espenido sa kanilang lugar sa pangambang maantala ang change and reform sa lugar.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, hinamon ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang nagpapakilalang grupo ng mga professional na lumantad sa publiko at isiwalat ang kanilang totoong pagkakakilanlan.

Maari kasi aniyang ang nagpapakilalang grupo ng mga professional ay may kaugnayan sa grupo ni Mayor Reynaldo Parojinog na napatay ni Espenido matapos ang anti-illegal drug operations sa lugar noong nakaraang taon.

Mismong ang mga taga-Ozamiz na aniya ang humiling sa pangulo na ibalik si Espenido.

Bukod dito, bumaba rin aniya ang crime rate sa Ozamiz nang manatili si Espenido sa lugar.

Kinakailangan din aniyang nasa Ozamiz si Espenido dahil isa siya sa mga testigo sa kaso laban sa mga Parojinog.

Read more...