Mga Pinoy, mas ligtas kasabay ng kampanya ng gobyerno vs droga at krimen

Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na nakararamdam ang mga Pilipino na mas ligtas na kasabay ang nagpapatuloy na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga at kriminalidad.

Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa kabila ng bagong Social Weather Stations (SWS) 3rd quarter survey.

Batay kasi sa lumabas na resulta, 6.1 percent sa mga pamilyang Pilipino o katumbas ng 1.4 milyon ang nabiktima ng iba’t ibang krimen sa nakalipas na anim na buwan.

Tumaas ito ng 0.7 point kumpara sa 5.3 percent o 1.2 milyong pamilyang Pilipinong naitalaga noong 2nd quarter.

Gayunman, iginiit ni Panelo na ito pa rin ang naitalang pinakamababang 3rd quarter crime victimization rate sa mga nakalipas na taon.

Aniya pa, ang mga nananatiling kritikal sa mga polisya ng pangulo ay posibleng konektado sa mga ilegal na aktibidad o miyembro ng oposisyon.

Dagdag pa nito, mananatili ang pagpapatupad ng anti-drug at crime campaign ng pangulo hanggang sa huling araw ng kaniyang termino.

Ito ay para aniya matiyak ang mas ligtas na siyudad sa publiko.

Read more...