Sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, nakapagtala sa Baguio City ng pinakamalamig na temperatura sa huling kwarter ng taon.
Ayon sa PAGASA, bumaba sa 12.2 degrees Celsius ang temperatura sa lugar bandang 6:30, Sabado ng umaga.
Mas mababa ito ng 2 degrees mula sa naitalang 14 degrees Celsuis noong araw ng Biyernes.
Noong nakaraang taon, sinabi ni Weather specialist Benny Estareja na naitala naman ang 11.5 degrees Celsuis na temperatura sa naturang lugar.
Ito ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio noong nakaraang taon.
Samantala, ramdam naman ang 23 degrees Celsius na temperatura sa Metro Manila bandang 6:00 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES