Brad Pitt, Angelina Jolie nagkasundo na para sa kustodiya ng kanilang mga anak

AP photo

Nakabuo na ng kasunduan ang dating mag-asawa na sina Angelina Jolie at Brad Pitt sa usapin ng child custody.

Matapos ang dalawang taon, sinabi ng abogado ng dating tinaguriang power couple na may “final agreement” na para sa kustodiya sa kanilang anim na anak.

Ayon sa abogado ni Jolie na si Samantha Bley De Jean, kapwa pumirma sa kasunduan ang dalawa.

Tumanggi naman ang abogado na idetalye ang nilalaman ang “final agreement” pero tiniyak niya na ito ay naaayon sa rekomendasyon ng isang child custody evaluator at hindi na kailangang dumaan pa sa pagdinig.

Sina Pitt at Jolie ay nagdiborsyo noong September 2016 matapos ang 10 taong relasyon at 2 taong kasal.

Si Jolie ang nagsampa ng divorce dahil sa “irreconcilable differences” kasabay ng kahilingan para sa primary custody sa 6 nilang anak na binubuo ng 3 biological children at 3 adopted.

Read more...