Pormal silang naiprisinta ni Lt. Col. Harold Cabunoc kay Mayor Randy Ecija Jr. ng bayan ng Senator Ninoy Aquino at kay Col. Robert Dauz ng 1st mechanized infantry brigade.
Ayon kay Ka Loloy, isa sa sumukong rebelde, di raw natupad ang pangako ni Ka Makmak ng Platoon My Phone tungkol sa pagbigay sa kanila ng lupain. Dagdag pa niya ay nabalitaan niya sa dating mga kasamahan na makatotohanan ang livelihood benefits para sa sumukong rebelde.
Samantala, bumisita naman si Usec. Reynaldo Mapagu, chief ng Task Force Balik Loob, sa Barangay Midtungok sa naturang bayan, dakong 9:00 para suriin ang proposed housing project site para sa surrenderees.
Ayon kay Mapagu, tinutupad ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga nagbalik loob sa gobyerno.
Kinausap din ni Usec. Mapagu ang humigit kumulang sa 80 rebelde na nauna nang sumuko simula Mayo 2017.