Ikinairita na ni Senador Grace Poe ang patuloy na pagkwestyon ng ilan sa kanyang legitimacy upang isulong ang kandidatura bilang Presidente.
Sa pagbisita nito sa Calasiao, Pangasinan upang dumalo sa launching ng regional at provincial coordinators ng kanyang kandidatura, kanyang sinabihan ang ilang mga nagtatanong na tila nawala na sa ‘focus’ sa isyu ng tunay na mga problemang dapat ayusin sa bansa ang atensyon ng mga ito.
“Your questions suggest you have lost focus. What solutions do we have for the nation is a question that should be asked. The public needs to know what we can do for them,” giit ni Poe sa mga nagtatanong na mga mamamahayag.
Paliwanag ng senador, mas dapat bigyang atensyon ng publiko at ng media ang kakulangan sa mga pangunahing serbisyo publiko tulad ng de-kalidad na mga trabaho at health services sa kasalukuyan.
Gayunman, nilinaw ng senadora na hindi niya iniiwasang sagtuin ang mga katanungan ukol sa kanyang citizenship at handa siyang sagutin ang lahat ng mga legal na isyu ukol dito sa takdang panahon.
Bukod sa pagtungo sa launching ng kanyang coordinating team, nagtungo rin si Poe sa Bgy. Nalsian na isa sa mga matinding naapektuhan ng pagbaha nang tumama ang bagyong ‘Lando’ sa lalawigan noong nakaraang buwan.