Malacañan kay Ocampo: Huwag gumawa ng propaganda war laban sa gobyerno

Sinabihan ng Malakanyang ang kampo ng arestadong si dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na huwag gumawa ng propaganda war laban sa gobyerno at hayaang gumulong ang legal process.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos maaresto si Ocampo, ACT Teachers Rep. France Castro at 16 na iba dahil sa umanoy pagdukot, pag-abuso at trafficking sa mga estudyanteng Lumad.

Ayon kay Panelo, hindi makakatulong ang propaganda war na anyay paraan lang para magkaroon ng trial by publicity ang mga maka-kaliwa laban sa gobyerno.

Iginiit ng kalihim na kailangang dapat manaig ang rule of law sa demokrasya.

Wala anyang puwang sa short cut na makakaharang sa legal process kaugnay ng reklamo laban kina Ocampo at Castro.

Ayon sa pulisya, kinuha ng grupo nina Ocampo at Castro ang 12 menor de edad at naharang ang sinasakyan nilang mga van sa checkpoint sa Talaingod, Davao del Norte.

Sinabi ng otoridad na ginagamit ng mga ito ang Salugpongan Ta’tanu Igkanogon Community Learning Center sa Sitio Dulyan, Bgy. Palma Gil bilang front ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army para ma-recruit ang mga batang Lumad sa rebeldeng grupo.

Read more...