Debris nakita ng mga kaanak ng bumagsak na Boeing 777

Ibinigay ng mga kamag-anak ng mga pasahero ng Malaysian Airlines Flight MH370 ang bagong diskubreng debris na pinaniniwalaang mula sa nawawalang eroplano sa pag-asang makakatulong ito sa imbestigasyon.

Nawala ang Boeing 777 jet na may sakay na 239 katao noong March 8, 2014 sa gitna ng routine flight mula Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay V.R. Nathan na ang misis na si Daisy ay kasama sa mga pasahero, ang bagong debris ay binubuo ng 5 maliit na bahagi ng eroplano na nakita sa Madagascar.

Ibinigay ang debris kay Malaysian Transport Minister Anthony Loke sa tanggapan nito sa Putrajaya.

Kabilang din sa debris ang 1 piraso kung saan nakasulat sa bahagi nito ang hindi mabasang label.

Nais ng pamilya ng mg pasahero na ituloy ng gobyerno ang paghahanap sa debris at buuin ang mga ito na parang jigsaw puzzle para magkaroon ng clue kung ano talaga ang nangyari sa eroplano.

Read more...