Ipinagbawal ng gobyerno ang swimming o paglalangoy sa 2 beach sa Panglao, Bohol at El Nido, Palawan.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, pansamantang hindi papayagan ang mga turista na mag-swimming sa Alona Beach sa Panglao Island at sa Buena Suerte Beach sa El Nido dahil sa mataas na “coliform level.”
Sinabihan anya nila nina DENR Sec. Roy Cimatu at DILG Sec. Eduardo Año ang mga Mayor ng Panglao at El Nido na maglagay ng no swimming sign sa nasabing mga beach.
Ito ay matapos na mabatid ng mga Kalihim na ang coliform levels sa lugar ay lampas sa acceptable coliform count na 100 most probable number (MPN).
Sinabi ni Puyat na ang ban sa nasabing mga beach ay ipapatupad hanggang maging acceptable ang coliform levels.
Ang swimming ban anya ay bahagi ng isinasagawang rehabilitasyon ng El Nido at Panglao.
Layon anya ng hakbang na maprotektahan ang kalusugan ng mga turista.