Walang special treatment kay Satur Ocampo – Malakanyang

Photo from: PRO 11

Hindi pagkakalooban ng special treatment si dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Ito ang sinabi ni Executive Sec. Salvador Medialdea kasabay ng pagkumpirma na kaya hindi dumalo sa Bonifacio Day events si Pangulong Duterte ay dahil binabantayan nito ang kaganapan sa pag-aresto kay Ocampo at grupo nito.

Ayon kay Medialdea nasa lugar lang ang pangulo kung saan nangyari ang insidente.

 

Pero hindi sinabi ni Medialdea kung sa mismong Talaingod, Davao Del Norte nagtungo ang pangulo.

Sinabi ni Medialdea na concern ang pangulo dahil mga bata ang sangkot.

Inaresto si Ocampo, ACT Party List Rep. France Castro at 74 na iba pa dahil sa pagbiyahe sa 12 menor de edad sakay ng limang van sa naturang bayan.

Read more...