Pinaboran ng Commission on Elections (Comelec) ang grupo ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagkilala ng liderato nito sa PDP-Laban.
May kaugnayan ito sa pagkakaroon pa ng isang paksyon sa partido at kung sino ang lehitimong nominado para sa susunod na eleksiyon.
Dahil sa desisyon, ang mga isinumiteng list ng mga authorized signatures ng grupo ni Pimentel para sa 2019 midterm elections ang lehitimo at opsiyal na kandidato ng partido.
Ang nasabing list ng authorized signatures ay nire-require ng Comelec para malaman kung sinong mga kandidato ang tumaktabo sa ilailim ng partikular na partido.
Kung wala ang mag ito, maikukunsiderang ang isang kandidato bilang independent.
Ang grupo na pinangungunahan ni Rogelio Garcia ay nagsumite din ng kanilang “authorized signatories” para sa kanilang mga pambato sa 2019.