Pagpapatupad ng excise tax sa oil products sa susunod na taon pag-aaralan ni Pang. Duterte

Inquirer file photo

Pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong ituloy ang pagpapatupad ng

ikalawang bahagi ng excise tax sa profduktong petrolyo sa susunod na taon.

Sa unang rekomendasyon ng economic managers ng administrasyon, pinasuspinde nila ang pagpapatupad ng excise tax na inaprubahan naman ni Pangulong Duterte.

Pero nagbago ang isip economic team at sinabing isusulong na nila ang pagpapatupad ng excise tax sa 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, alam nila ang sentimyento ng publiko hinggil dito, pero mabuting hintayin na lamang muna ang magiging pasya ng pangulo.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na ang pasya para ituloy ang excise tax sa oil products ay bunsod ng serye ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Maari umanong sa cabinet meeting sa Martes, Dec. 4 pagdesisyunan ito ng pangulo.

Read more...