4 na miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Sarangani

Patay ang apat na umano’y miyembro ng New People’s Army sa engkwentro sa militar sa Brgy. Upper Suyan sa Malapatan, Sarangani.

Nakasagupa ng mga rebelde ang tropa mula sa 73rd infantry battalion.

Ayon kay Lt. Col. Marion Angcao, 73rd IB commanding officer, ang mga napatay na rebelde ay mga miyembro ng Communist Guerilla Front 71.

Ang umano’y NPA members ay nakita sa lugar kung saan nagsasagawa ng mass vaccination program ang mga health workers dahil sa ulat ng measles outbreak na ikinamatay ng 18 bata.

Sa ngayon ay wala pang inilabas ang militar na pagkakilanlan sa mga napatay na rebelde.

Read more...