Duterte, pinaaaksyunan na kay P-Noy ang tanim-bala scam

 

Inquirer file photo

Mas matindi na ang pananawagan ngayon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Pangulong Benigno Aquino III na aksyunan ang isyu ng tanim-bala sa mga paliparan sa bansa.

Ito’y makaraang maglabas ng pahayag ang Pangulo na tila ba minamaliit at binabalewala lamang ang mga kaso ng tanim-bala.

Sinabi ni Duterte na aksyon ang hinihingi niya at hindi statistics tulad ng ibinigay ni Pangulong Aqino ahil hindi naman ito ang dapat na isagot.

Aniya, ilang taon nang nangyayari ang tanim-bala scam, simula pa noong siya’y nagsisilbi pa bilang city prosecutor sa loob ng 10 taon, at madalas pa umanong nabibiktima ng ganito ay ang mga Japanese nationals.

Sa pagkakataong ito, ang labis niyang ikinaiinis ay ang pambibiktima sa mga nakatatandang overseas Filipino workers (OFWs).

Sumbat ni Duterte sa Pangulo, hindi siya humingi ng anumang kapalit sa pagsuporta niya sa kandidatura ni Aquino noong 2010, kaya ngayon, hinihingi niya ang agarang aksyon sa nasabing isyu.

Samantala, nananatili sa paninindigan si Duterte na wala pa rin siyang balak tumakbo bilang presidente, at ang pagpunta nila ni Sen. Alan Peter Cayetano sa nasabing gun show ay walang kinalaman sa kanilang kandidatura.

Read more...